--Ads--

CAUAYAN CITY– Naaresto ang isang mekaniko sa drug buy-bust operation na isinagawa ng Station one ng Santiago City Police Office sa Rosario, Santiago City.

Ang suspek ay si Gerardo Galang, tatlumpu’rt pitong taong gulang, may asawa at residente ng Purok 4, Rosario Santiago City.

Nasamsam sa suspek ng isang pulis na nagsilbing poseur buyer ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nasamsam din sa pag-iingat nito ang drug buy-bust money.

--Ads--

Sasampahan si Galang ng kasong paglabag sa Republic act 9165 ( comprehensive dangerous drugs act of 2002 ).