--Ads--

CAUAYAN CITY- Pangunahing ihahain ng Provincial Government ng Isabela sa state dinner ni Papal Nuncio to the Phils. Archbishop Gabriele Giordano Caccia ay ang chicken Galantina at eggplant lasagna.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Media Consultant Romy Santos ng Provincial Government ng Isabela na ang state dinner ay dadaluhan din ng mga matataas na opisyal ng Isabela sa pangunguna ni Gov. Bogie Dy at mga opisyal ng Diocese of Ilagan sa pangunguna ni Bishop David William Antonio.

Ang mga pagkain na ihahain sa Papal Nuncio ay niluto ng isang Italian Restaurant sa Ilagan City habang mayroon ding nilutong local foods ang Provincial Government at ang Diocese of Ilagan.

Sa amphi theater ng provincial Government gaganapin ang state dinner kung saan 32 mesa ang inilatag na dadaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan ng Isabela, mga pari at mga bisita ni Bishop Antonio.

--Ads--

Bukas, araw ng Martes (February 12, 2019) ay pangungunahan din ni Papal Nuncio to the Phils. Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang installation ng bagong obispo ng Diocese of Ilagan sa katauhan ni Bishop David William Antonio.