--Ads--

Muling sasabak sa kompetisyon ang tennis star na si Alex Eala sa Toray Pan Pacific Open sa Japan, kung saan target niyang makabawi matapos ang sunod-sunod na maagang pagkatalo sa Asian Swing.

Ang eighth-seeded na si Eala, na kasalukuyang world No. 20, ay makakaharap si 17-anyos na British tennis player na si Mika Stojsavljevic sa Round of 32.

Kasalukuyang nasa world No. 308 si Stojsavljevic at umabot na sa career-high ranking na No. 261 noong Hunyo. Nag-debut din ito sa main draw ng Grand Slam tournament sa Wimbledon noong 2025.

Hindi pa nagkakaharap sa WTA Tour sina Eala at Stojsavljevic, dahilan upang maging hamon para sa Filipina tennis ace ang kanilang unang pagtatapat.

--Ads--

Samantala, hangad ni Eala na makabawi matapos ang sunod-sunod na pagkabigo sa mga nakaraang torneo sa Asya.