CAUAYAN CITY- Pormal nang binuksan kaninang hapon ang twin sporting events na kinabibilangan ng 14th South East Asian Youth Athletics Championships at 2019 Ayala Philippine Athletics Championships sa Ilagan City Sports Complex
Pinangunahan ang parada ng mga atleta at sporting officials ng Pilipinas, Brunie, Cambodia, Timor Leste, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam.
Lumahok din sa parada ang mga kasapi ng PNP, Phil. Army, mga opisyal ng pamahalaan, mga opisyal ng barangay sa Lunsod ng Ilagan, mga kasapi ng BFP, BJMP at LGU employees,
Ang openning ceremony ay dinaluhan din nina PATAFA President Philip Ella Juico at Schools Division Supt. Dr. Cherry Ramos ng DEP-ED Ilagan
Matapos ang openning ceremony ng twin sporting events ay sinundan ng pagtatanghal ni international singer Arnel Pineda at ang grand fireworks display
Magtatapos sa ikatatlo ng Marso, 2019 ang South East Asian Youth Athletics Championships na kaagad susundan ng susundan ng 2019 Ayala Philippine Athletics Championships na gaganapin ikaanim hanggang ikawalo ng Marso, 2019.
Bukas umaga ay nagsisimula na ang mga laro para sa 14th South East Asian Youth Athletics Championships.