--Ads--

CAUAYAN CITY- Hihiling ang tanggapan ng COMELEC Santiago City ng augmentation force para sa testing and sealing ng mga vote counting machines.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty Johanna Valejo Dela Cruz, election officer ng COMELEC Santiago City na darating anumang araw mula ngayon ang mga vote counting machines.

Kapag dumating anya ang mga vote counting machines ay magsasagawa na sila ng final testing and sealing ng mga nasabing machines bukod pa sa final briefing ng mga electoral board.

Kinakailangan na rin niyang humingi ng augmentation force sa PNP, AFP at DILG upang ma-secure ang mga election paraphernalia at ang mga taong malapit sa VCM.

--Ads--

Samantala, katuwang ng COMELEC sa kanilang pagbabaklas ng somobra sa standard size at hindi nakalagay sa common poster areas na mga campaign materials ng mga kandidato ang mga kasapi ng PNP, AFP, DENR, BFP at DepEd noong April 4-5, 2019.

Matapos anya ang kanilang isinagawang operation baklas ay sumunod na ang mga kandidato at sila na rin mismo ang nag-alis sa kanilang campaign materials na hindi nakalagay sa common poster areas at mga somobra sa standard size.