--Ads--


CAUAYAN CITY– Naglabas na ng resolution ang COMELEC para ganapin ang special election sa Jones, Isabela sa Lunes, May 20, 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Jerbee Cortez. Asst. Regional Director ng COMELEC region 2 na isinagawa ang pagpupulong ng Joint Security para sa ilalatag na seguridad sa isasagawang special elections sa apat na clustered Precincts ng barangay Dicamay uno na may 762 voters.

Pinag-usapan din ang pagtatalaga ng election officer ng mga election board na magsisilbi sa special election.

Binalaan din ni Atty. Cortez ang mga kandidato na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pangangampanya ng mga lokal na kandidato dahil tapos na umano ang araw ng kampanya noong Mayo 11, 2019.

--Ads--

Tiniyak din ni Atty. Cortez na mababantayan at masisiguro ang seguridad sa mismong araw ng special elections.


Tinig ni Atty. Jerbee Cortez. Asst. Regional Director ng COMELEC region 2

Magugunitang ang mga barangay Dicamay Uno at Dicamay Dos ay sinunog ang mga VCM na ginamit sa nakalipas na halalan subalit nailigtas ang SD card ng Dicamay 2 subalit ang Dicamay Uno ay tuluyang nasunog ang VCM at SD Card.