--Ads--

CAUAYAN CITY- Hiniling ng grupong Migrante sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatigil na ang pagpapadala ng mga overseas filipino workers sa Kuwait

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Kristina Pacis, lider ng grupong Migrante Isabela na maraming kaso ng pang-aabuso ng mga Ofw sa Kuwait ang kanilang natatanggap kaya’t marapat lamang na magpatupad na ng deployment ban ang DOLE.

Ginawa ng grupong Migrante ang kahilingan dahil sa pagkamatay ng OFW na si Constancia Dayag sa bansang Kuwait na hinihinalang pinatay ng kanyang amo.

Inihayag niya na handa silang tumulong na isulong na makamit ang hustisya para kay OFW Dayag sa korte man ng Kuwait o dito sa bansa.

--Ads--

Samantala, sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi niya matitiyak na mapagbibigyan ang kahilingan ng grupong migrante dahil hindi umano basta basta ang pagpapatupad ng deployment ban.

Dapat din umano itong pag-aralan at hindi rin dapat mabahiran ng pulitika dahil maraming mga overseas filipino workers na nasa Kuwait ang maaapektuhan.