--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawampu’t isang piraso ng inabandonang pinutol na narra ang nasamsam ng mga otoridad sa Brgy. Dipacamo, San Guillermo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nakatanggap umano ng tawag ang San Guillermo Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay sa mga abandonadong kahoy sa naturang lugar.

Sa pagtugon ng mga kasapi ng San Guillermo Police Station sa pangunguna ni P/Lt. George Dayag at mga kawani ng 205th RMFB 2 at 2nd IPMFC ay nadatnan nila sa gilid ng daan ang 21 piraso ng Narra na may iba’t ibang sukat at tinatayang may sukat na 200 board feet.

Dinala sa San Guillermo Police Station ang mga kahoy para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa DENR CENRO Cauayan City.

--Ads--