--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagbigay narin ng paunang tulong ang provincial government ng Isabela para sa mga biktima ng magkasunod na lindol sa lalawigan ng Batanes.

Ito ang kinumpirma ni Isabela 1st District Representative Antonio Tonypet Albano sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Ayon kay Cong. Albano, na batay sa patuloy nyang pakikipag ugnayan kay Isabela Governor Rodolfo Albano III ay mayroon na umanong 500 relief packs ang kanilang ipinadala sa pamamagitan ng Philippine Airforce na nakahimpil sa Tactical Operations Group 2 Cauayan City.

Nagpadala rin umano sila ng ilang unit ng water purifying system para matiyak na malinis ang tubig na iinom ng mga residente sa Itbayat, Batanes.

--Ads--
Tinig ni Cong. Tonypet Albano ng Isabela

Inaasahan naman ni Cong. Antonio Albano ang pagdating ng C130 Airplane bukas para mas marami pa ang maipapadalang relief packs mula dito sa Isabela.