--Ads--
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Quirino 10:08 kagabi.
Una nang sinabi ng PHIVOLCS na may lakas na magnitude 4.8 ang pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 14 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Nagtipunan.
May lalim ang pagyanig na 60 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
--Ads--
Naramdaman ang Intensity IV sa Nagtipunan at Maddela sa Quirino at Bayombong, Nueva Vizcaya.
Naramdaman din ang lindol sa Diffun, Quirino, Bagabag, Nueva Vizcaya at Santiago City.
Naitala naman ang instrumental intensity II sa Palayan City at instrumental intensity I sa Baguio City.
Bagama’t may kalakasan, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.