Tinawag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi patas ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na ginagamit umano ang 2027 national budget upang pilitin ang mga senador na bumoto pabor sa kaniyang conviction sa impeachment trial.
Ayon kay Lacson, hindi makatarungang magparatang ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa laban sa mga senador na patuloy na nagsusulong ng integridad sa proseso ng pagbuo ng pambansang budget.
Ibinahagi rin ni Lacson na sa kaniyang mahabang panunungkulan bilang senador ay hindi siya kailanman nagpadala sa pang-aakit ng pork barrel, anuman ang anyo o tawag dito. Sa halip, aniya, naging tuluy-tuloy ang kaniyang pagtutol at paglaban sa ganitong sistema.
Matatandaang sa isang social media post, iginiit ni Duterte na ginagamit umano ang 2027 national budget bilang bargaining chip upang impluwensiyahan ang mga senador na bumoto pabor sa hatol na guilty laban sa kaniya sa impeachment case.











