--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkukulang na ang tubig at inumin sa Laurel, Batangas dulot ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Fire Officer 2 Sherwin Hernandez ng BFP Laurel, Batangas na bagamat mayroong nagbibigay ng inuming tubig ay nagkukulang pa rin.

Hindi lamang inuming tubig ang kanilang kinakailangan kundi kailangan din nila ng tubig na panligo at magamit sa mga comfort room.

Sinabi pa ni FO2 Hernandez na Maliban sa tubig ay nangangailangan sila ng krudo para sa kanilang generators at sa mga sasakyan na ginagamit sa kanilang rescue at evacuation operations.

--Ads--
Tinig ni Fire Officer 2 Sherwin Hernandez ng BFP Laurel, Batangas.