--Ads--

CAUAYAN CITY– Tatlumput walong confirmed at suspected COVID-19 ang kasalukuyang ginagamot sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City

Ayon kay Dr. GLenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center mula kaninang 4:00pm ay mayroong naka-admit na 38 suspect at confirmed COVID-19.

Sa naturang bilang ay 27 ang confirmed COVID-19 positive kung saan 17 ang mula sa Cagayan.

Sa nasabing bilang labing dalawa ang mula sa Lunsod ng Tuguegarao; dalawa sa bayan ng Bagao, tig-iisa sa mga bayan ng Baggao,Peñablanca, Iguig at Amulong.

--Ads--

Sampung COVID-19 positive ang naitala mula sa Isabela kung saan apat sa Lunsod ng Ilagan, dalawa sa Cauayan City at tig-iisa sa mga bayan ng Cabatuan, Tumauini, San Pablo at Gamu

Naka-confine pa rin sa CVMC ang 11 suspect COVID-19 positive kung saan lima ang galing sa lalawigan ng Cagayan; apat sa lalawigan ng Isabela at dalawa sa lalawigan ng Kalinga.