Inihayag ni United States President Donald Trump na patuloy na pinahihina ng Estados Unidos ang Iran sa larangan ng ekonomiya at militar, habang pinuri naman si Russian President Vladimir Putin sa hindi umano pakikialam sa nagpapatuloy na sigalot.
Ayon kay Trump, patuloy na pinatindi ng Washington ang pressure sa Tehran sa pamamagitan ng mga hakbang na pang-ekonomiya at operasyong militar. Pinuri rin niya si Putin dahil sa umano’y pag-iwas nito sa direktang pakikilahok sa digmaan laban sa Iran.
Noong Oktubre 13, sinabi rin ni Trump na hindi niya naniniwalang aktibong tumutulong ang Russia at China sa Iran, sa kabila ng mga ulat ng intelligence ng Estados Unidos na nagsasabing may ibinibigay umanong suportang militar ang dalawang bansa sa Tehran.











