CAUAYAN CITY– Nakahanda ang Cagayan Valley Medical Center binabantayang bagong variant ng coronavirus.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC na sa ulat ng DOH ay hindi walang pang naitatalang kaso sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Dr. Baggao na ang bagong variant ng coronavirus ay mas mabilis ang transmission bagat hindi gaanong kadelikado tulad ng COVID-19.
Ngunit nilnaw ni Dr. Baggao na maging maingat pa rin dahil mapanganib pa rin ito sa kalusugan.
Kinakailangan pa rin anyang sumunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng pamahalaan pangunahin na ng Kagawaran ng Klusugan o DOH.
Ipinaalala pa ni Dr. Baggao na iwasan ang maramihang social gatherings at magtulungan para masugpo ang COVID-19.
Samantala, nagdagdag na rin sila ng mga kuwarto sa kanilang COVID-19 ward.




