--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa  Isabela ang 40  kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng provincial government ng Isabela, 26 sa mga bagong kaso ang mula sa Ilagan City, tig-aapat sa Tumauini at San Mariano, tig-dadalawa sa  Cauayan City at bayan ng Benito Soliven habang tig-iisa sa Roxas at  Santiago City.

Dahil dito, nasa 473  na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Apat dito ang non-authorized persons outside residence , 25  ang health worker, 9 ang pulis at  443  ang mula sa local transmission.

--Ads--

Magandang balita naman dahil 47  ang naidagdag sa mga gumaling.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.