--Ads--
CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 40 kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng provincial government ng Isabela, 26 sa mga bagong kaso ang mula sa Ilagan City, tig-aapat sa Tumauini at San Mariano, tig-dadalawa sa Cauayan City at bayan ng Benito Soliven habang tig-iisa sa Roxas at Santiago City.
Dahil dito, nasa 473 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Apat dito ang non-authorized persons outside residence , 25 ang health worker, 9 ang pulis at 443 ang mula sa local transmission.
--Ads--
Magandang balita naman dahil 47 ang naidagdag sa mga gumaling.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.











