--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang 10 kalalakihan sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad kontra sa iligal na pagsusugal sa lunsod ng Cauayan.

Nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station kaugnay sa nangyayaring iligal na pagsusugal sa Barangay Tagaran na agad nilang inaksyunan kaya naaktuhan ang tatlo sa mga pinaghihinalaan na naglalaro ng pepito.

Nakuha rin sa lugar ang P300 na pamusta at isang set ng baraha.

Sa Barangay Marabulig naman ay dinakip din ang pitong kalalakihan matapos na maaktuhang naglalaro ng Lucky 9.

--Ads--

Nakumpiska sa lugar ang isang set ng baraha at pamusta na P330.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isa sa mga nadakip sa Barangay Marabulig, kanyang sinabi na siya at ang ilan sa kasamahan niyang nadakip ay hindi nagtataya at nanood lamang sa mga naglalaro.

Dahil dito, umaasa sila na makakalabas din sila at nangakong hindi na sila masasangkot sa larong ipinagbabawal ng batas.

Tinig ng isa sa mga nahuli.