--Ads--

CAUAYAN CITY – Kasalukuyan na ang pagpapatayo sa kauna-unahang LGU operated na crematorium sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panglunsod member Edgardo Atienza ng Cauayan City, author ng naturang ordinansa na dalawang buwan na ang nakakalipas mula ng maipasa niya ito.

Agad namang ipinagawa ng pamahalaang lunsod at kasalukuyan na ang paggawa sa pampublikong sementeryo sa San Francisco, Cauayan City.

Aniya, kapag natapos ay ito ang kauna-unahang LGU operated na crematorium, columbarium at burulan ng bayan sa ikalawang rehiyon.

--Ads--

Malayo aniyang mura ang presyo sa Pampanga at Nueva Ecija lalo na kapag residente sa lunsod ang magpapacremate gayunman ay mas mahal kung taga ibang bayan.

Tiniyak naman niya na hindi sila nakikipagkumpetensya sa mga punerarya dahil para lang ito sa crematorium.

Naging katuwang naman niya ang city legal office at ang tanggapan ng Sangguniang Panglunsod sa paggawa ng guidelines.

Sa ngayon ay nasa 60% na ang natatapos sa naturang crematorium at inaasahang matatapos sa loob ng dalawang susunod na buwan.

Tinig ni Sangguniang Panglunsod member Edgardo Atienza.