--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinagawa ngayong araw sa Isabela ang ‘Todas Dengue, Todo Na to’ ikawalong Kagat clean up drive.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Gen. Jimmy Rivera, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) ng Isabela, sinabi niya na patuloy ang paghikayat nila sa bawat Isabeleño na makiisa sa mga ganitong programa ng pamahalaan lalo na at panahon na naman ng tag-ulan.

Aniya, ang massive clean up drive at paglilinis sa mga estero, kanal at pamumutol sa mga sanga ng punong kahoy ay nag-umpisa pa noong July 1 para sa National Disaster Resilience Month.

Lahat aniya ng mga bayan at lunsod ay may kanya-kanyang paglilinis.

--Ads--

Samantala, ngayong araw ay isinagawa rin nila ang isang blood letting activity katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Tinig ni Ret. Gen. Jimmy Rivera.

Ayon pa kay Ret. Gen. Rivera, sa pagtatapos ng National Disaster Resilience Month ay magkikita ang lahat ng rescuers sa rehiyon sa lower magat eco tourism park sa Diadi, Nueva Vizcaya at magkakaroon sila ng paligsahan sa pagrescue gayundin na magpapalitan ng dunong at kaalaman.