--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangalanan na ng San Mateo Police Station ang kinasuhang pulis at kasamahan nito na hinihinalaang may kagagawan sa umanoy pagdukot sa isang binatilyo sa Barangay 4.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Major   Abdel Asis Maximo, Hepe ng San Mateo Police Station, sinabi niya na nasampahan na ng kaso sa Provincial Prosecutor’s Office  ang dalawang pinaghihinalaan na sina RJ Pua, at si Patrolman Gerald Rumbaoa, dating kasapi ng San Mateo Police station na umanoy na-re assign sa ibang bayan.

Ang naging batayan ng pamilya Ubaldo sa pagsasampa ng kaso ay ang salaysay ng dalawang saksi kabilang ang isang bata at ang barangay Tanod ng Brangaya Tres.

Sa kabila naman ng kinakaharap na kaso ay nanatili pa rin sa kanyang serbisyo bilang pulis si Patrolman Rumbaoa.

--Ads--

Positibo at patuloy pa ring umaasa ang pulisya at maging ang pamilya ng binatilyong dinukot na si John Eddie Ubaldo na makikitang  buhay at nasa maayos itong kalagayan.

Nauna na ring inalerto ng San Mateo Police station ang mga kalapit na himpilan ng pulisya maging ang mga himpilan ng pulusya sa Kalinga upang mas mapabilis ang paghahanap kay John Eddie Ubaldo alyas Guvling.