--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipapatupad na ng City Agriculture Office ang Online Registration System para sa mga Agri-Fishery Machineries.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay City Agriculturist Eng. Ricardo Alonzo sinabi niya na mag sisislbing pilot site ng registration ngfamr machineries ang lunsod sa ilalim ng Philippine Center For Post Harvest Development and Mechanization o Philmech at Kagawaran ng Pagsasaka o DA.

Magtutungo ang mga kawani ng City Agriculture Office sa mga barangay sa Lunsod upang irehistro ng mga magsasaka ang kanilang mga makinarya.

Matatandaang taong 2019 nang maipasa ang City Ordinance na naglalayong irehistro ang mga Agri-fishery Machineries and Equipment ng mga magsasaka upang mabigyan ng QR code na magagamit bilang katibayan na ito ay kanilang pag-aari.

--Ads--

Sa pamamagitan ng QR code ay mabilis ding matutunton ang mga mawawalang makinarya kung sakaling maibenta ito sa iba.

Ang bahagi ng pahayag ni Eng. Ricardo Alonzo.