Itinalaga bilang team captain ng Asia All-Stars ang Filipino basketball player na si Dwight Ramos matapos makakuha ng pinakamaraming boto para sa nalalapit na 2027 Japan B.League All-Star Week.
Ayon sa B.League, pangungunahan ni Ramos ang Asia All-Stars sa Sports Depo All-Star Asia Cross Tournament.
Ito na ang ikaanim na sunod na All-Star appearance ni Ramos mula nang sumali siya sa B.League noong 2021.
Kabilang din sa lineup ang mga kapwa Gilas Pilipinas players na sina Kai Sotto, AJ Edu, Ray Parks Jr., Kiefer Ravena at Thirdy Ravena.
Samantala, kakatawan din sa Pilipinas si Francis Lopez ng Nagoya FE sa slam dunk contest, habang kabilang naman sa B.One/B.Next Selected East ang dating Meralco Bolts import na si Patrick Gardner.
Gaganapin ang 2027 B.League All-Star Week mula Enero 15 hanggang 17 sa Aichi-Nagoya, Japan.









