
CAUAYAN CITY– Magsisimula na bukas , araw ng Sabado ang Educational assistance pay-out ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Information Officer Michael Gaspar ng DSWD region 2 na kada Sabado simula August 20, 2022 hanggang September 24, 2022 ang pagsasagawa na nila ng Educational Assistance pay-out.
Ang Educational assistance ay tulong ng DSWD sa mga student in crisis na maari nilang magamit sa kanilang pangangailangan tulad ng school fees, project , allowance at iba pang bayarin.
Ang mga mag-aaral na maaring ituring na student in crisis ay ang mga breadwinners, working students, anak ng solo parent, anak ng OFW, may magulang na maysakit na HIV, mga ulila na nakikitira sa mga kamag-anak, walang trabaho ang mga magulang , biktima ng pang-aabuso, kalamidad o sakuna.
Ang kinakailangang ipakita ng mga nagnanais makakuha ng educational assistance ay ang certificate of registration for enrollment; para sa mga menor de edad ay kailangang kasama ang valid ID ng mga magulang at school ID ng mag-aaral.
Binigyang diin ni Regional Information Officer Michael Gaspar na magtungo lamang sa tanggapan ng DSWD ang mga nagnanais na mag-apply para sa Educational Assistance at kung mga menor de edad na mag-aaral ay ang kanilang magulang o guardian ang magtungo mismo sa kanilang tanggapan.










