--Ads--
Matinding pagbaha ang tumama sa Istanbul, Turkey, nitong Miyerkules matapos ang malakas na pag-ulan, dahilan upang suspendihin ang klase at pauwiin ang ilang kawani ng pamahalaan.
Ayon sa mga ulat, binaha ang mga bahay, establisimyento, kalsada at underpass, na nagdulot ng matinding trapiko at pagkaka-stranded ng mga sasakyan.
May mga residenteng nailigtas mula sa rumaragasang tubig at binahang basement habang isang 14-anyos na bata ang nasawi matapos makuryente sa baha.
Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na manatili sa bahay, habang pinayuhan ang mga nakatira sa basement apartment na pansamantalang lumikas. Ipinagbawal din ang pagbiyahe ng mga motorsiklo bilang pag-iingat.
--Ads--











