--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinomina ni Kayla Richardson ng Philippine Team ang kompetisyon sa 200-meter run sa women’s open category matapos siyang manalo ng gintong medalya sa nagpapatuloy na Philippine Athletics Championship.

Tinalo ng defending champion sa nakalipas na Southeast Asian Games, ang Olympian ng bansang Malaysia na si Zaidatul Husniah Zulkifli na nakakuha ng silver medal at ang bronze medal naman ay nakuha ni Danae Manibog na isang dating manlalaro sa NCAA sa Estados Unidos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kayla Richardson sinabi niyang ibinigay niya ang kanyang 100% sa laban dahil matindi ang kompetisyon.

Alam niyang mabilis ang manlalaro ng Malaysia dahil matagal na rin niya itong nakakalaban at sa katunayan ay lumamang lang siya ng 0.7 seconds.

--Ads--

Sa ngayon ay itutuon niya ang kanyang atensiyon sa Southeast Asian Games at umaasang muli niyang masusungkit ang gintong medalya.