--Ads--

CAUAYAN CITY – Nangunguna ang Philippine Team sa ikalimang araw ng kompetisyon sa Philippine Athletics Championships sa City of Ilagan Sports Complex.

Pinataob ni Kristina Knott ang kanyang mga kalaban sa 100-meter women open category kung saan iniuwi niya ang gintong medalya.

Sa pole vault women open category, ay nakuha ni Natalie Uy ang gold medal at sinundan naman siya ng isa pang medalist na si Alyana Nicolas na nakamit naman ang silver medal.

Sa 800 meter run men open category ay nagawang maiuwi ni Mariano Masano ang silver medal laban sa pambato ng Malaysia na si Wan Muhammad Zahari na nakakuha ng gold medal.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alyana Nicolas, sinabi niyang nakatuon na ang kanilang pansin sa Southeast Asian Games at umaasang mabibigyan nila ng medalya ang Pilipinas.

Dagdag pa niya na magandang pagkakataon ang Philippine Athletics Championships upang muling masanay sa ganitong atmosphere ng laro, at upang itama ang kanilang mga pagkakamali sa kanilang taktika.