--Ads--

CAUAYAN CITY – Binuksan na ng Philippine Crop Insurance o PCIC Region 2 ang filing para sa indemnity claims ng 10,542 o 60-70% ng mga naapektuhang magsasaka dahil sa hagupit ng bagyong Egay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Louterio Sanchez Jr. ang Officer-in-Charge ng Claims Adjustment Division-PCIC Region 2 sinabi niya na marami-rami na rin silang natatanggap na notice of claim partikular sa Northern Portion ng Cagayan Penablanca, Tuguegarao City at downstream Cagayan.

Malaki-laki rin ang naitalang pinsala sa coastal areas lalo na sa pananim na masi at palay.

Bagamat hindi ganoon kalaki ang pinsalang iniwan ng bagyong egay ay may ilan paring magsasaka ang nagsumite na ng kanilang aplikasyon.

--Ads--

Paalala naman niya na maaari lamang maghain ng claims ang mga magsasaka sa loob ng dalawampung araw mula sa araw kung kailan nanalasa ang bagyong Egay.

Wala namang naiatalang direct damage sa mga panananim na palay sa Calayan Island na kasalukuyang nasa vegitative stage na habang umabot naman sa 82,756 o katumbas ng 108,064 na standing crops ang napinsala.

Hinihingi naman nila ang partisipasyon ng mga magsasakang nakapaghain na ng cliams for indemnity habang ginagawa nila ang verification na iproproseso sa loob ng animnapung araw.

Inaasahan rin nilang maghahain din ng aplikasyon sa indemnity ang nasa limandaang Banana farmers.