--Ads--

CAUAYAN CITY- Naiahon na ang dalawang lalaking nalunod sa ilog magat na sakop ng San Roque, San Mateo, Isabela.

Sa Exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Labumbay, kasama ng dalawang nalunod na sina Ryan Tomas at Akong Matias, kanyang sinabi na kaninang dakong alas-3 ng hapon ng sila ay nagtungo sa naturang ilog upang maligo dahil sa init ng panahon.

Aniya, nagbibiruan umano sila at napansin na nagtungo ang dalawa sa malalim na bahagi ng ilog.

Ayon kay Labumbay,sinabihan niya umano ang dalawa na huwag gaanong lumayo  ngunit pagkalipas lamang ng ilang minuto ay naglaho na ang mga ito.

--Ads--

Sinubukan niya umanong isalba ang dalawa niyang kasamahan ngunit nabigo sya dahil sa lalim ng naturang ilog.

Samantala, mag alas-4 na ng hapon ng makarating ang mga rescuers sa pinagyarihan ng insidente at inabot ng halos isang oras bago nahanap ang dalawang biktima na kaagad ding isinugod sa pagamutan.

(Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng Bombo Radyo Cauayan News Team  ang kalagayan ng dalawang biktima)