--Ads--

CAUAYAN CITY – Umpisa na ng giyera sa Pulitika sa pagitan ng Administrasyong Marcos at ng mga Duterte.

Ito ang inihayag ng isang Congressman matapos ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Gabinete.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cong. France Castro ng ACT Teachers Partylist, sinabi niya na magiging ‘open rival’ na ng kasalukuyang administrasyon ang mga Duterte kaya asahan ang mas matinding bangayan sa pagitan ng dalawang partido.

Sa kabila ng pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd ni VP Sara ay hindi pa rin naman siya maituturing na isang tunay na oposisyon dahil naging kabahagi ito ng kasalukuyang administrasyon sa pagpapatupad ng mga pulisiya.

--Ads--