CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang pagpapadala ng Philippine Navy sa BRP Jose Rizal sa Philippine Rise, isang maritime feature sa Silangang bahagi ng mainland Luzon.
Ang pagpapadala sa naturang barko ay bahagi ng ika-7 taong anibersaryo ng Philippine Rise.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt.Col. Rodrigo Lutao, NOLCOM Public Information Officer sinabi niya na naging maayos ang biyahe patungo sa Benhum rise kung saan nagkaroon ng mga aktibidad para alalahanin ang pagkakatatag ng Philippine Rise.
Sumisimbolo ito bilang commitment ng bansa na panindigan ang soberanya at karapatan nito sa mga katubigan at pagrespeto sa International Maritime Laws and Regulations.
Ang Philippine Rise ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan patuloy itong isinasailalim sa conservation effort para maprotektahan ang mayaman nitong marine biodiversity.
Aniya, wala silang napansin na hindi kanais nais na pangyayari at walang mga Chinese Maritime Militia Vessel sa rutang dinaanan ng Philippine Navy sa Exclusive Economic Zone ng Bansa hanggang sa makabalik sa mainland partikular sa Zamlabes ang BRP Jose Rizal.
Ang BRP Jose Rizal ay isang guided-missile frigate at magpapatrolya at magbabantay sa naturang katubigan kung saan matatagpuan ang itinuturing na pinakamalaking caldera sa buong mundo.