--Ads--

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang ipinatupad na traffic scheme ng Public Order and Safety Division o POSD ngayong pagbubukas ng klase.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na bagamat maayos ang daloy ng trapiko ay may ilang motorsita o estudyante ang inihatid ng mga magulang sakay ng motorsiklo subalit walang suot na helmet.

Babala ni POSD Chief Mallillin simula bukas ang sinumang mahuhuling nagmamaneho ng motorsiklo na walang helmet ay kanila nang huhuliin.

Paalala niya sa mga magulang na may dalang service na sumunod sa kung ano ang ipinapatupad ng kanailang mga Law Enforcers para sa mas maayos na daloy ng trapiko.

--Ads--