--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang Regional Level Number 1 Most Wanted Person sa kasong statutory rape sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ang akusado ay tatlumpu’t walong taong gulang, unemployed at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, napag-alaman na ang akusado ay may nakabinbing kaso na 35 counts of statutory rape kung saan ito ay nangyari pa noong nakaraang taon.

Naaresto ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu noong June 2024 kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

--Ads--

Ayon sa  PNP,  kaanak umano ng akusado ang biktima kung saan hindi naman na umano nagtago pa ang suspek at hindi na din siya nanlaban nang siya ay arestuhin ng mga awtoridad.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cauyaan City Police Station ang akusado para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.