--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang sinampahan ng kaso ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Brgy. Buena Vista, Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col. Saturnino Soriano, Public Information Officer ng Santiago City Police Office o SCPO, sinabi niya na sinampahan na ng kasong rape with homicide ang suspek na nasa wastong gulang, helper, PWD at residente ng Brgy. Buenavista, Santiago City.

Batay sa medico legal sa biktima, pinasukan ng kahoy ang maselang bahagi ng kaniyang katawan at nagtamo ng matinding injury sa ulo at iba pang parte ng kaniyang katawan.

Naitalang person of interest ang suspek mula sa ilang witness na nagtuturong ito ang huling nakitang tao sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay.

--Ads--

Siya rin ang natukoy mula sa mga ebidensyang nakalap ng pulisya pangunahin na ang mga nakuhang CCTV footages malapit sa pinangyarihan ng insidente.

May isang kagawad ding nagsabi na laging nagtatambay sa lugar ang suspek kaya dito sila nagpokus at nakunan din siya ng blood stains sa kanyang damit ng mga kasapi ng forensics.

Ayon kay PLt Col. Soriano nakausap niya mismo ang suspek na inamin din ang nagawang krimen.

Ngayon, nakatakda nang ipasakamay sa Santiago City Custodial Facility ang suspek na nahaharap sa kasong pagpatay at panggagahasa.