CAUAYAN CITY – Nagbabala ang pamunuan ng Cabagan Police Station sa publiko sa naglipanang mensahe ngayon sa social media kaugnay sa umano’y van na nangunguha ng bata at mga dalaga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cabaga Police station chief PMaj. Merwin Villanueva sinabi niyang ang naturang post na gumagamit sa kanilang himpilan ay fake news o maling impormasyon.
Aniya walang katotohanan at hindi beripikado ang naturang mga impormasyon na ipinakakalat sa facebook dahil maging siya ay nakatanggap rin ng naturang mensahe na posted na rin sa iba’t ibang group chats.
Pinawi nila ang pangamba ng publiko sa pamamagitan ng pag post sa kanilang official Facebook account na pinabubulaanan ang naturang inpormasyon dahil wala naman silang namamataan na mga kahina hinalang sasakyan na umaaligid sa naturang Bayan.
Babala niya na sisiskapin nilang matkoy kung saan nanggaling ang false information na ito na nagdudulot ngayon ng takot sa maraming mga residente sa Cabagan, Isabela.
Naiparating na din ang insidente sa iba pang himpilan ng Pulisya dito sa Lalawigan ng Isabela maging sa Local Government Unit para mabilis na matukoy kung sino ang nagpapakalat ng malisyosong inpormasyon.
Tiniyak niyana oras na matukoy o makilala kung sino ang nasa likod nito ay mapapatawan o mahaharap sa kaso dahil sa paglabag sa cybercrime law.