--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang magpalabas ng tubig ang Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS ngayong alas-3 ng hapon dahil sa patuloy na pagtaas ng water level ng Magat Dam bunsod ng mga pag-ulan na dala ng Bagyong Bebinca at Habagat.

Tinatayang aabot sa 150 cubic meters per second ang papakawalang tubig ng Dam kung saan bubuksan ang isang gate na may 1 meter opening.

Pinapayuhan ngayon ang lahat ng mga nakatira o nagtutungo malapit sa Magat River na mag-ingat.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na nasa 350 hanggang 450 cubic meters per second ang inflow ng tubig sa dam.

--Ads--

Pinayagan na rin nila ang maximum na volume ng tubig na kailangan sa power generation upang maiwasang maabot ang spilling level ng dam at hindi magdulot ng pagkasira nito.

Inaasahang maapektuhan sa gagawing pagpapakawala ng tubig ang mga bayan ng Ramon, San Mateo, Cabatuan, Aurora, at Reina Mercedes.