--Ads--

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Sparkles PH ang talent agency na may hawak kay Julie Anne San Jose kaugnay sa naging concert performance niya sa loob ng simbahan.

Ang nasabing performance ay bahagi ng isang concert for a cause na tinawag na Heavenly Harmony in Concert’ (Harana para kay Maria) ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Kabilang sa mga kinanta ni Julie Anne San Jose ay “The Climb” ni Miley Cyrus, “Edge of Glory” ni Lady Gaga at marami pang iba kabilang na ang ilang OPM songs.

Marami raw ang natuwa dahil isa nga itong benefit concert na ang ticket sales ay mapupunta sa pagpapagawa ng simbahan. Pero, may mga nagtaas din ng kilay dahil ang ilang kanta ni Julie ay hindi angkop sa lugar.

--Ads--

Depensa ng sparkles PH ang line up ng mga inawit ni Julie ay may approval ng organizer ng simbahan at sila rin ang namili ng mga kanta.

Ang pahayag na ito ay kasabay ng public apology ni Julie Anne na posted sa kaniyang social media account.