--Ads--

CAUAYAN CITY – Maari nang makakuha ng National Police Clearance sa isang mall dito sa lungsod ng Cauayan matapos pasinayaan ang sattelite office ng pulisya sa nasabing lugar.

Layunin umano ng nasabing programa na mailapit ang mga serbisyo ng pulisya sa publiko.

Bagamat nasa loob ito ng mall ay wala naman umanong karagdagang babayaran sa pagkuha ng National Police Clearance.

Samantala, nakatanggap naman ang SWAT Cauayan City ng mga Equipment, Mobility and  Firepower assets.

--Ads--

Kabilang sa mga ipinagkaloob ng Cauayan City Government ay ang isang pick up na sasakyan, tatlong motor, 16 pcs assault rifle, 48 pcs long magazine, 30 pcs tactical scope, mga helmet at iba pang body armor.

Personal na dinaluhan ni Police Brigadier General Antonio Marallag Jr, ang Regional Director ng Police Regional Office 2 ang pagpapasakamay sa mga nasabing kagamitan kung saan tinalakay nito ang magiging ambag ng mga bagong kagamitan sa SWAT para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan

Nagpasalamat din siya sa City Government ng Cauayan sa patuloy na pagsuporta sa hanay ng mga pulis.

Samantala, binigyang diin naman ni Mayor Caesar Jaycee Dy Jr. na ang suporta ng City Government ng Cauayan ay para rin sa kapakanan ng lungsod pagdating sa usapin ng seguridad

Sinabi rin ng alkalde na kasalukuyan na rin ang pagpapasaayos sa armored vehicle na ipagkakaloob din sa SWAT team ng Cauayan City Police Station.