--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng inisyatiba ang Bureau of Internal Revenue District Office 15 Naguilian na mamahagi ng food packs sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo sa Barangay District 3

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Revenue District Officer Robertson Gazzingan ng BIR Naguilian, nakita ng mga ito ang hirap na idinulot ng mga nagdaang bagyo sa mga residenteng naapektuhan ng Barangay District 3 kaya minabuti nilang mamahagi ng tulong

Aniya, aabot sa 500 indibidwal ang nakatanggap ng ayuda mula sa tanggapan

Ayon pa sa opisyal, walang direktiba mula sa kanilang mga nasa itaas na gumawa nang ganitong public service subalit minabuti ng kanilang opisina na gawin ito para sa mga apektadong pamilya.

--Ads--