Arestado ang dalawang lalaki na kapwa kabilang sa listahan ng street level individual ng PDEA sa isinagawang Anti-Illegal Drug Buy-Bust Operation ng PNP sa Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela.
Ang mga suspek (hindi pinangalanan) ay nahuli ng mga pinagsanib na pwersa ng Cabatuan Police Station sa koordinasyon sa PDEA Region 2, Isabela Provincial Office at PIU-PDEU sa isinagawang buy-bust operation na naging sanhi ng pagkakakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang mga ipinagbabawal na gamot.
Nabili ng pulis na nagpanggap na buyer ang isang piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at nasamsam din sa kanilang pag-iingat ang isa pang piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu; Isang piraso ng genuine P1,000.00 Peso Bill; Dalawang piraso ng Php 500.00 Peso Bill boodle money na ginamit bilang buy-bust money; Isang Cellphone na pagmamay-ari ni Timbreza kasama ng personal na pera nito; isang itim na Honda Click na walang plaka at Isang unit ng Cal. 38 revolver.
Matapos ang imbentaryo ay kaagad na dinala ang nasabing mga suspek maging ang mga nasamsam na mga ebidensya sa Cabatuan Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.
Ayon naman sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Cabatuan Police Station una na umano silang nagsagawa ng test buy sa isa sa mga suspek at sa pagsasagawa ng buy bust ay dalawa na silang nahuli ng pulisya.
Tumanggi naman nang magbigay ng pahayag ang mga suspek ngunit tumanggi na silang magbigay ng karagdagang impormasyon kaugnay sa kanilang pagkahuli sa buybust operation ng PNP.