--Ads--

Patuloy na makakaapekto ang shear line sa Southern Luzon at Visayas ngayong miyerkules, habang ang Northeast Monsoon o Amihan naman ang magdadala ng pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon sa susunod na 24 na oras.

Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Laguna, Rizal, Quezon, at Aurora ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm dahil sa shear line.

Maaaring magdulot ng pagbaha at landslide sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Easterlies naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao.

--Ads--

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Aurora dulot ng Shear Line.

Maulap na papawirin na may mga pag-ulan ang inaasahan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Abra, Benguet, Mountain Province, Ifugao, Kalinga at Apayao habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sanhi ng Hanging Amihan.