--Ads--

CAUAYAN CITY- Ikinatuwa ng mga guro mula Reina Mercedes Vocational and Industrial School ang bagong ordinansa na ipatutupad sa bayan ng Reina Mercedes na pagbabawal sa mga tindahan malapit sa paaralan na magbenta ng junk foods at sweet beverages sa mga estudyante.

Ayon kay School Principal Rani Zipagan ng RMVIS, malaking tulong ito upang sa ganoon ay maging sa labas ng paaralan ay hindi nakakain ang mga bata ng junk foods.

Aniya, mahigpit kasing ipinagbabawal ng paaralan ang pagtitinda sa loob school canteen upang matiyak na maayos ang kinakain at jniinom ng mga bata.

May derektiba na rin sa mga school guard na harangan ang mga estudyante na magpapasok ng mga nasabing pagkain at inumin mula sa labas.

--Ads--

Ayon sa school principal,positibo ito para sa kanilang hanay lalo pa at maraming mga tindahan sa labas ng paaralan.

Aniya napapansin din kasi nito na may mga tindahan na nagtitinda pa rin ng mga junk foods at sweet drinks sa mga bata.

Nakakabahala aniya ito lalo na sa ngayon at marami na rin ang bata pa lamang ay nagkakaroon na ng diabeties.

Giit pa ni Principal Zipagan, sana ay isama rin na ipagbawal ang paggamit ng mga styro lalo na sa lalagyan ng pagkain dahil nagiging sanhi rin ito ng kalat.