--Ads--

Pansamantalang naka-leave of absence si actress Nadia Montenegro mula sa trabaho bilang political officer ni Senator Robin Padilla habang iniimbestigahan umano dahil sa paggamit ng marijuana sa loob ng Senado.

Kinumpirma ito ng chief of staff ng senador na si Atty. Rudolf Philip Jurado, na nilinaw ring hindi nagbitiw si Montenegro at nananatili pa rin sa puwesto. Inaasahan umanong sasagutin ng aktres ang incident report ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA).

Ayon kay Jurado, bago pa magsimula ang imbestigasyon ng OSAA noong Agosto 13 ay pinayuhan na si Montenegro na mag-leave of absence. Binigyan siya hanggang Agosto 18 para magsumite ng nakasulat na paliwanag at pinakiusapang sumailalim sa drug test.