--Ads--

Sinabi ng Department of Foreign Affairs o DFA na patuloy pa nitong kinukumpirma ang balita may kaugnayan sa umano’y pagkakaaresto ng dating presidential spokesperson na si Harry Roque sa The Netherlands.

Sa marathon plenary deliberations ng Senado para sa 2026 budget ng DFA, tinanong ni Senate President Vicente Sotto III ang ahensya kung maaari nitong kumpirmahin ang naturang ulat.

Ayon kay Senadora Imee Marcos na tumatayong sponsor ng budget ng DFA, wala pang natatanggap na impormasyon ang ahensya mula sa The Netherlands hinggil sa umano’y insidente.

Ayon pa sa senadora habang nasa breaking news pa lamang ito, ang DFA ay nasa proseso pa ng pag-beripika dahil wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa The Netherlands.

--Ads--

Aniya magbibigay sila ng update kapag nakumpirma na ito.