--Ads--

Inaasahang tataas ang demand sa pautang ng mga negosyo at consumers ngayong ikaapat na quarter ng 2026, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa survey ng BSP, 26.9% ng mga bangko ang umaasang tataas ang demand para sa business loans, habang 37.1% naman para sa household loans.

Gayunman, inaasahang pananatilihin ng karamihan sa mga bangko ang kanilang lending standards sa kabila ng inaasahang pagtaas ng pangangailangan sa pautang.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 2 hanggang Oktubre 6 at nilahukan ng 55 sa 60 bangkong kinatawan ng BSP.

--Ads--