--Ads--

Inamin ni Willie Revillame na nagkaroon sila noon ng relasyon ng dating SexBomb Girls member na si Sugar Mercado.

Tinanong siya tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan matapos ang halos pitong taong pagsasama.

Ayon kay Willie, wala siyang nakitang mali sa kanilang naging relasyon at masaya siya noong magkasama pa sila. Naging malapit din siya sa dalawang anak ni Sugar at itinuring na parang sariling mga anak.

Sa kabila nito, nauwi pa rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon dahil pakiramdam niya na hindi talaga sila itinadhana para sa isa’t isa.

--Ads--