--Ads--

Nangangamba ang ilang mga negosyante sa posibleng pagkaantala o pag-release ng kanilang business permit dahil sa inaasahang pag-release ng Fire Safety Inspection Clearance (FSIC) mula sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa mga negosyante, malaki ang magiging epekto nito sa operasyon ng kanilan negosyo kung sakali mang hindi sila makapag-renew ng kanilang business permit sa itinakdang panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Inspector Francis David Barcellano, City Fire Marshall ng BFP-Cauayan, nilinaw nito na hindi makaaapekto ang pagkaantala ng pagrerelease ng FSIC sa paglalabas ng Business Permit.

Aniya, nagkaroon na ng kasunduan ang Business Permit and Licensing Office at BFP hinggil sa naturang usapin.

--Ads--

Ayon kay FCInsp. Barcellano, sakaling makabayad na online ang mga klieynte sa BFP ay kinakailangan lamang nilang magsumite ng kopya ng patunay ng kanilang pagbabayad sa BPLO at BFP upang pansamantalang ma-release ang kanilang permit.

Kapag nakumpleto na ng BFP ang lahat ng Body-worn Cameras na gagamitin sa inspeksyon ay agad na magsasagawa ng fire safety inspection ang mga tauhan ng BFP sa kani-kanilang establishimento upang tuluyang makumpleto ang proseso ng pag-isyu ng SFIP.