--Ads--

Nananawagan ang ilang mga residente ng Barangay San Francisco, Cauayan City sa lokal na pamahaalan ng lungsod na kung maaari ay ipaayus o sementuhin na ang lubak-lubak nilang kalsada matapos nitong pagdaanan ng ilang mga malalaking sasakyan na pumupunta sa ibang mga barangay upang magsa-ayus ng ibang mga proyekto ng pamahalaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jr Lijano, residente ng Purok 2, Barangay San Francisco sa naturang lungsod, sinabi nitong matagal na nilang hinain ito na kailangang maipasaayus dahil aniya noong kasagsagan ng pag-ulan ay marami sa mga residente ang hirap ang nararanasang sitwasyon sa pagdadaan dito.

Ayon kay Ginoong Lijano, mabuti na lamang ngayon at uminit na ang panahon at hindi na masyadong ramdam ang pagiging lubak-lubak ng mga nasabing daan.

Aniya, mayroon naman na noong sinabi ng lokal na pamahalaan ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila maramdaman ang ipinangako na pagsasa-ayos nitong mga naturang kalsada.

--Ads--

Dagdag pa ni Ginoong LIjano, mayroon na ring ilang mga disgrasya ang naitala dito kung saan kalimitan sa mga nasasnagkot dito ay mga single motor at sidecar.

Sa ngayon, ang ginagawang pansamantalang solusyon ng mga residente sa nasabing barangay ay tinmatabunan ang mga malalalim na lubak.

Samantala, inamin naman ni Brgy. Captain Heherson Miranda ng Brgy. San Francisco na naiinggit umano ang kanyang nasasakupan sa ibang mga barangay dahil maayos at sementado ang kanilang mga daan.

Aniya, kaya naging malalalim ang lubak sa kanilang barangay ay dahil araw-araw itong dinaraanan ng naglalakihang mga sasakyan na nanggaling sa West Tabacal Region. Dagdag niya, kahit pa maglagay sila ng mga bato, ay lumulubog din ito sa pagdaan ng panahon.

Nananawagan ang punong barangay sa Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan na tulungan silang isaayos ang humigi’t-kumulang 2.5 kilometers na hindi maayos na daan sa kanilang barangay.