--Ads--
Pansamantalang sinuspinde ng House Committee on Justice ang deliberasyon sa mga impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos nang hindi pa bumoboto kung sufficiency in substance ang unang reklamo na isinampa ng abogadong si Andre de Jesus.
Sinabi ni Justice Committee Chair Rep. Gerville Luistro na magbobotohan ang panel bukas ng hapon, Pebrero 4, matapos nilang talakayin ang pangalawang impeachment complaint na isinampa ni Liza Maza at ng iba pang progresibong grupo.
Dagdag pa ni Luistro, nagbibigay ito sa mga miyembro ng komite ng mas maraming oras upang pag-aralan ang mga naging talakayan sa araw na ito.











