--Ads--

Natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lokasyon ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan nitong Martes.

Ayon kay Commander Cheska Jamorol ng PCG Technical Diving Group, nakahiga ang barko sa direksyong silangan-pakanluran kaugnay ng isla.

Isang bangkay ang narekober sa lugar, kaya umabot na sa 43 ang bilang ng mga nasawi. Nanatili namang 316 ang bilang ng mga nakaligtas.

Matatandaan na ng MV Trisha Kerstin 3 ay lumubog noong Enero 26, 2026 sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan, matapos umanong pasukin ng malalakas na alon ang lower deck ng barko.

--Ads--